Love triangle: Single mom tinodas ng ‘ex’ sa SUV
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dahil sa hinihinalang matinding pagseselos, isang 30-anyos na single mother ang tinadtad ng bala sa loob ng kanyang sports utility vehicle (SUV) ng hinihinalang dating live-in partner nito sa Barangay Sta. Anastasia, Sto. Tomas City, Batangas noong Huwebes.
Si Kimberly Anne Ochea, may dalawang anak at isang work from home (WFH) computer programmer ay natagpuan ng mga rumespondeng lawmen na may mga tama ng bala ng baril sa driver’s seat ng kanyang puting Isuzu mu-X (NGB-2137) sa kahabaan ng spine road, ayon kay Lt. Col. Marlon Cabataña, Sta. Tomas City police,
Isinugod si Ochea sa St. Cabrini Medical Center, Sto. Tomas subalit idineklara itong dead-on- arrival dahil sa maraming tama ng bala tinamo. Tinatayang nasa 21 bala ang tumama sa sasakyan ng biktima matapos ito pagbabarilin ng isang lalaki habang nakaparada sa gilid ng kalsada dakong ala-1:35 ng madaling araw ngunit, bandang alas-3:15 ng madaling araw lamang nang iulat ng mga residente ang insidente, ani Cabataña.
Aniya na ang mga imbestigator ay sinisilip ang anggulong “selos at love-triangle” bilang motibo sa pagpatay kay Ochea.
Ayon sa pulisya, ilang closed-circuit television camera, isang video-cam ang kanilang narekober sa loob ng sasakyan ng biktima, at nakakalap na rin ng mga testimonya sa kaibigan ng biktima at ng kanyang bagong nobyo.
Sinabi ni Cabataña na ang dating kinakasama ng biktima na si alyas “Jimbo” ay ikinokonsidera bilang person of interest at posibleng suspek sa krimen
Ang nakuhang video footage ng CCTV na nagpapakita na ang biktima ay binugbog at sinaktan ng dati niyang live-in partner na unang nag-udyok sa biktima upang magsampa ng criminal complaint sa Violence Against Women and Children (VAWC) desk.
Nabatid na ang dating live-in partner ng biktima na si “Jimbo” ay dati nang naaresto sa “gunrunning activities” sa Parañaque City noong Hunyo 18, 2025.
Lumalabas na hiniwalayan ng biktima ang abusadong kinakasama matapos naman niyang makilala ang isa pang lalaki na si alyas “Jun” bago ang pagpatay.
- Latest

















