^

Probinsiya

Lady Vietnamese pumalag sa holdap, sinaksak

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Lady Vietnamese pumalag sa holdap, sinaksak
Ibinaba sa Brgy. ­Talaba 2, Bacoor City ng kasama nitong babaeng Chinese national na nagsilbing driver ng van, ang biktima na duguan at nanghihina nang makita ng ilang concerned citizen at dinala sa kanilang Barangay Hall bago itinakbo sa pagamutan. 
STAR/ File

Pinasok ng suspek sa sasakyan

CAVITE, Philippines — Isang 27-anyos na babaeng Vietnamese ang sugatan makaraan siyang saksakin ng isang hinihina­lang holdaper na biglang pumasok sa loob ng kanilang sasakyang van na minamaneho ng Chinese national sa kahabaan ng highway sa Pasay City, hanggang sa makara­ting sila sa Bacoor City kaya nakahingi ng tulong, kama­kalawa ng gabi.

Ibinaba sa Brgy. ­Talaba 2, Bacoor City ng kasama nitong babaeng Chinese national na nagsilbing driver ng van, ang biktima na duguan at nanghihina nang makita ng ilang concerned citizen at dinala sa kanilang Barangay Hall bago itinakbo sa pagamutan. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:30 ng gabi nang sunduin umano ang biktimang si alyas “Le Thin”, 27-anyos, ­Vietnamese, ng kanyang kaibigang Chinese na nagmamaneho ng AUV Toyota Innova sa may E-Com Building sa Pasay City.

Habang ang dalawa ay bumabagtas sa isang kalsada, tumigil ang nasabing sasakyan at may isang lalaki na lang ang biglang nagbukas ng pinto ng kanilang sasakyan at sumakay. 

Pag-upo ng suspek sa nasabing kotse ay agad nitong hinalbot ang bag ng biktima, cellphone at mga alahas. Nang ayaw ibigay ng nasbaing lady Vietnamese ang mga kagamitan ay pinagsasaksak siya sa dalawang hita at tiyan bago mabilis na tumakas ang suspek.

Sa hindi pa masabing motibo, nagtuluy-tuloy umano sa pag-drive ang Chinese driver hanggang sa makarating sila ng duguang Vietnamese sa ­Talaba 2, Bacoor City kung saan dito na ibinaba ang biktima na nakita naman ng ilang concerned citizen at dinala sa kanilang Barangay Hall bago itinakbo sa pagamutan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam kung ang babaeng Chinese na kasama ng biktima ay kasabwat sa insidente ng panghoholdap.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with