^

Probinsiya

14-anyos tepok sa kuryente sa iskul

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 14-anyos na estudyante habang sugatan ang kaibigan nito matapos na aksidenteng makur­yente sa nakalaylay na live wire sa loob ng eskuwelahan sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Toby”, 14-anyos, estudyante sa Mambago -B National High School.

Samantalang sugatan naman ang kaibigan nito na tinangkang sagipin si Toby sa nasabing insidente.

Base sa report ng Garden City of Samal Police, nangyari ang insidente noong Agosto 19 ng hapon sa loob ng nasabing eskuwelahan habang pauwi na ang nasabing estudyante.

Ayon sa imbestigas­yon, aksidenteng nadikit ang biktima sa isang nakalaylay na live wire sa loob ng eskuwelahan at dito’y agad itong nagkikisay. Tinangka naman ng kaibigan nitong si Nath na tulungan ang biktima kaya nakuryente.

Nagawa pang maisugod ang dalawang estudyante sa pagamutan pero idineklara ng dead-on-arrival si Toby habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kaibigan nito.

Nabatid pa na ­matagal ng inirereklamo ang nakalaylay na live wire sa nasabing eskuwelahan pero hindi ito napagtuunan ng pansin na makumpuni kaagad.

Samantalang dahilan sa insidente ay nagsagawa naman ng pag-iins­peksiyon ang Department of Education-Davao Region ng imbestigasyon sa mga koneksiyon sa elektrisidad ng mga eskuwelahan upang maiwasang maulit pa ang insidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with