^

Probinsiya

5 ‘tulak’ timbog ng PDEA sa drug den

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Limang lalaki ang naaktuhan at nakunan ng P102,000 na halaga ng shabu sa magkatuwang na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng pulisya sa kanilang drug den sa Barangay Poblacion Mother sa Cotabato City nitong Huwebes.

Nasa kustodiya na ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga suspek na sina Datu Rasid Candao Emba, Marlon Juliano Mangulon, Zalcarnain Karnain Talib, Joharto Mingka Tuan at Abduracman Nongka Guiamaludin, na pawang nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, hindi na pumalag ang mga suspect ng arestuhin ng kanilang mga agents at mga operatiba ng Cotabato City Police Office na kanilang nabentahan ng 15 gramo ng shabu sa isang entrapment operation mismo sa kanilang drug den sa Purok Kabuntalan sa Barangay Poblacion Mother.

Agad na pinasalamatan ni Castro si Mayor Bruce Matabalao na chairperson ng multi-sector Cotabato City Peace and Order Council at ang director ng Cotabato City police force na si Col. Jibin Bongcayao sa kanilang tulong sa pagkasa ng entrapment operation na nag-resulta sa pagkaaresto ng limang suspect na magkakasabwat sa pamamalakad umano ng isang drug den na ngayo’y naipasara na sa Purok Kabuntalan sa Barangay Poblacion Mother.

Inatasan na ni Mayor Matabalao ang mga community leaders sa Barangay Poblacion Mother na tumulong sa pagbuo ng kaukulang kaso laban kina Emba, Mangulon, Talib, Tuan at Guiamaludin gamit ang P102,000 na halaga ng shabu na nasamsam mula sa kanila bilang ebidensya. (John Unson)

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with