College student pinatay habang naglalakad

MANILA, Philippines — Isang 24-anyos na lalaking college student ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki habang naglalakad, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
Ang nasawing biktima na nagtamo ng walong tama ng bala sa katawan ay kinilala sa alyas na “Kelsey”, residente ng San Marino City Subdivision ng nasabing barangay.
Sa ulat ng pulisya, alas-6:00 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa may Oslo St., nang ito ay pagbabarilin.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang maibigay na malinaw na detalye ang Dasmariñas Police, gayundin sa tumakas na suspek.
- Latest
















