^

Probinsiya

2 bodyguard ng trader utas sa shootout

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 bodyguard ng trader utas sa shootout
Kinilala ang mga nasawing suspek na sina alyas “Jovi” at alyas “Paul”.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang bodyguard ng isang negosyante ang nasawi kasunod ng isang search warrant operation sa mismong bahay nito sa Purok Gumasak, Barangay Bulakanon, Makilala, Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina alyas “Jovi” at alyas “Paul”.

Sa ulat, alas-12:40 ng madaling araw ay isisilbi ng mga otoridad ang search warrant sa negosyanteng si Ramon Floresta dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammuniton Regulation Act. Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na habang iniimplementa ang operasyon ay pinaputukan umano ng dalawang escort ang mga operatiba ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO) sanhi para nagkapalitan ng putok ang dalawang panig.

Napatay sa operas­yon sina alias Jovi at alias Paul habang sugatan naman ang dalawang operatiba ng PNP dahil sa insidente na ligtas na sa kapahamakan.

Nakuha sa bahay ng target na negosyan­te ang: Glock 23 pistol na caliber .45; long firearm ; Colt M16 Caliber 5.56mm; 2 hand grenade; mga magazines at ammunition box na may mga bala ng caliber 40.

Nasa kustodiya na ang negosyante sa Ma­kilala Municipal Police Station at pinabulaanan nito na sa kaniya ang lahat ng mga armas na nakuha sa kaniyang bahay.

COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with