^

Probinsiya

4 drug den operators huli sa Cotabato City

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Apat na hinihinalang drug den operators kabilang ang dalawang babae ang naaresto sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Mother Tamontaka, dito sa lungsod nitong Huwebes.

Sa pahayag ni Gil Cesar Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nahaharap na sa mga kaukulang kaso ang mga suspek na kinilalang sina Mohamar Datukaka Mohammad, Junry Mamalinta Riman, Armiya Sali Roman at Regina Roman Mamalinta na nalambat sa magkatuwang na anti-narcotics operation ng PDEA-BARMM at ng pulisya sa Barangay Mother Tamontaka.

Sa operasyong suportado ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, agad na inaresto ng mga PDEA-BARMM agents ang apat na suspects matapos silang bentahan ng 28 sachets ng shabu, nagkakahalaga ng P102,000 mismo sa kanilang drug den sa naturang barangay.

Sa tulong ng mga barangay officials, agad isinara ng mga PDEA-BARMM agents at mga kasapi ng mga units ng PRO-BAR ang drug den nila Mohammad, Riman, Roman at Mamalinta, na ngayon ay kapwa nakakulong na.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with