^

Probinsiya

Beach resort na pamoso sa Bohol, ipinasara

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang isang kilalang white beach resort sa Panglao, Bohol dahil sa hindi pagbabayad ng business permit at buwis.

Sa inilabas na “closure order” mula sa Office of the Mayor ng Municpality of Panglao, agad isinilbi ang kautusan sa Villa Tomasa Resort (Alona Kew White Beach) na ino-operate ng pamilya ni Jonathan Guardo na tumakbo at natalong kongresista sa Cebu, sa ilalim ng “Contract of Lease” sa pagitan nila at ng mag-asawang Wilfredo, 67-anyos, at Eteria Evelyn Flores, 70.

Ang mag-asawang Flores ang siyang may-ari ng 1.1 ektaryang white beach sa Panglao, Bohol na Alona Kew at nabatid na inalok sila ni Guardo na uupahan ito sa halagang P10 milyon kada buwan.

Ang Alona Kew White Beach Resort ay isa sa kilalang mga resorts sa Bohol at siya ring pinagkakakitaan ng mag-asawang Flores na umano’y nabulag sa pangako ni Guardo na rerentahan ng P10 milyon kada buwan at may opsyon din na ibebenta ito sa halagang P1.5 bilyon at naging pinal ang kontrata noong Enero 30,2023.

Subalit ang kasunduan ay nagmistulang “sakuna” para sa mag-asawang Flores at sa kanilang “source of income” matapos nilang maipasa ang kanilang resort sa pamilya Guardo dahil ang pangako na pagbabayad ng P10 milyong renta kada buwan.

Lumalabas na nakapagbayad lang ng P5 milyon bilang initial payment umano si Guardo at tumalbog pa ang 17 tseke na inisyu nito.

Nasa P53 milyon umano ang pagkakautang ni Guardo sa mag-asawa para sa rental arrears at hindi na rin nakapagbayad ng business permit at buwis. Dahil dito, kinansela ng mag-asawang Flores ang lease agreement para sa kanilang beach contract.

Ikinaalarma rin ng pamilya Flores ang pag-aangkin umano sa resort ng pamilya Guardo makaraan silang pagbawalang pumasok sa sarili nilang resort na guwardyado na ng mga security personnel.

vuukle comment

BOHOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with