^

Probinsiya

Nanuntok ng 70-anyos niresbakan, sinibak sa leeg!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Nanuntok ng 70-anyos niresbakan, sinibak sa leeg!
Hindi na nagawang dalhin pa sa pagamutan na agarang nasawi dahil sa malalim na taga sa leeg ang biktima na kinilalang si Erickson Guyala Brito, 44-anyos, may-asawa, habang sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang suspek na si Salvador Antang Barcebal, binata, pawang residente ng naturang barangay.
STAR/File

PILI, Camarines Sur, Philippines — Patay agad ang isang lasing na lalaki matapos resbakan at tagain sa leeg ng 70-anyos na lolo na kanyang sinuntok sa Zone-1, Brgy. Palestina ng bayang ito, kamaka­lawa ng hapon.

Hindi na nagawang dalhin pa sa pagamutan na agarang nasawi dahil sa malalim na taga sa leeg ang biktima na kinilalang si Erickson Guyala Brito, 44-anyos, may-asawa, habang sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang suspek na si Salvador Antang Barcebal, binata, pawang residente ng naturang barangay. Isinuko rin nito ang itak na ginamit sa pananaga.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon, duma­ting umano sa lugar ang lasing na biktima at sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong binigwasan ng suntok ang matanda dahilan para magkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Sa galit ng matanda, binunot nito ang itak sa kanyang beywang at tinaga sa leeg ang biktima na agarang nasawi.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with