^

Probinsiya

2 kawani ng LGU nalambat sa pamamaril sa truck driver

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MULANAY, Quezon, Philippines — Nahaharap sa reklamong frustrated murder ang dalawang kawani ng lokal na pamahalaan ng Mulanay, Quezon matapos na barilin ng mga ito ang isang truck driver kahapon ng mada­ling araw sa Barangay Poblacion.

Nakapiit ngayon sa municipal jail ang mga suspek na sina alyas “Manolito”, MDRRMO responder at alyas “Roberto”, security personnel, habang ginagamot ngayon sa MMG Hospital sa Lucena City ang biktimang si alyas “Michael” ng Barangay Poblacion Mulanay, Quezon.

Ayon kay PMajor Marlon Comia, chief of police ng Mulanay, pasado alas-12:00 ng hatinggabi habang minamaneho ng biktima ang isang truck nang tambangan umano ng dalawang suspek.

Bumaba sa sasakyan ang biktima nang makita na may bitbit na baril si Manolito at mabilis na tumakbo subalit pinaputukan ng suspek at tinamaan sa kanang bahagi ng hita.

Muling kinuha ng pangalawang suspek ang baril at iniumang sa biktima subalit hindi na pumutok nang kalabitin ito saka tumakas gayunman ay agad silang naaresto sa follow-up operation.

vuukle comment

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with