^

Probinsiya

Pilgrim sites sa Cagayan Valley dadagsain ng mga deboto

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

Bayombong, Nueva Vizcaya, Philippines — Inaasahang dadagsain ng mga debotong Katoliko ang iba’t ibang pilgrim sites sa Cagayan Valley o Region 2 bilang paggunita ngayong Semana Santa.

Ang Golgotha o Mount Calvary sa Bangan Hill National Park na matatagpuan sa bayan na ito ay isa sa mga paboritong pasyalan ngayong Holy Week kung saan isinasagawa ang pagsasadula sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon kay Father Christian Dumangeng, station director ng DWRV radio Veritas, ang taunang pagsasadula ay pinangungunahan ng Diocese of Bayombong tuwing araw ng Biyernes.

Sa Isabela, matatagpuan naman ang Da­riok Hill sa Brgy. Balintocatoc, Santiago City kung saan makikita ang nasa 80 religious sta­tues na naglalarawan mula sa Last Supper, pagdakip, pagpapako sa krus, pagkamatay at pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

Hindi naman kumpleto ang Holy Week kung hindi mapupuntahan ng libu-libong deboto ang 11 hektarya na Mount Calvary replica sa bayan ng Iguig sa Cagayan kung saan nakatayo ang mga life-sized statues at 14 na stations of the cross. Dinudumog din sa Cagayan ang Basilica Minore o ang miraculous image of Our Lady of Piat sa bayan ng Piat.

Samantala, sinabi ni Army Major Ringor Pamittan, information chief ng 5th Infantry Division (5ID) na sumasakop sa buong Caga­yan Valley, Cordillera at ibang bahagi ng Ilocos region, na bawat army brigade at battalion sa ilalim ng 5ID ay nagpadala ng isang platoon para tumulong sa pagbabantay ngayong Holy Week.

Sa panig ni PCol. Camlon Nasdoman, Nueva Vizcaya provincial police director, inihayag nito na nagtalaga na sila ng karagdagang puwersa para bantayan ang mga pangunahing kalsada dahil sa ina­asahang pagdagsa ng mga motorista na papasok at palabas ng Region 2 kabilang na ang Eastern Cordillera.

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with