^

Probinsiya

UP stude na amasona, 2 pa todas sa engkuwentro!

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang amasona na nag-aral sa University of the Philippines (UP) at dalawa pa nitong kasamahang opisyal ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkuwentro ang tropa ng militar sa bayan ng Rosario, Batangas kamakalawa.

Ayon kay Captain Michael Malacad, Officer-in-Charge ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), kasalukuyang nagsasagawa ng Focused Military Operations (FMO) at security assistance ang mga elemento ng 59th Infantry “Protector” Battalion (IB) ng Philippine Army sa Brgy. Leviste, Rosario nang masabat nila dakong alas-8:15 ng umaga nitong Martes Santo ang humigit kumulang sa 10 miyembro ng teroristang CPP-NPA-NDF na nag­resulta ng sagupaan.

Sa report ni 201st Infantry Brigade comman­der Brig. Gen. Erwin Alea, ang grupo ng mga rebelde ay mula sa Sub-Regional Military Area (SRMA)-4C na pinamumunuan ni Junalice Arante-Isita alyas “Ka Arya”, kalihim ng grupo mula sa Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).

Sa engkuwentro, nasawi si Isita at dalawa pa na kinilalang sina Bernardo Bagaas alyas “Ka John Paul”, logistics officer ng grupo at Erickson Bedonia alyas “Ka Ricky”, miyembro ng SMRA-4C.

Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 rifle, isang baby armalite, isang M4 Bushmaster rifle, anim na jungle packs, wire sa paggawa ng Improvised Explosive Devices.

Sa rekord, si Isita ay political instructor ng STRPC’s Main Regional Guerilla Unit at pinuno ng Kilusang Larangan Guerilla (KLG) Silangan na may warrant of arrest sa Regional Trial Court (RTC) Branch 7 sa Batangas City kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Si Isita ay asawa ni Isagani Isita alyas “Yano”, lider ng STRPC’s Sinag 2 na napatay ng mga sundalo noong Hulyo 30, 2023 matapos manlaban habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa Sariaya, Quezon.

Ang napatay na amasonang lider ng NPA na si Ka Arya, taga-Brgy. Banaba, Padre Garcia, Batangas ay nagtapos sa Lipa City National Science High School at kumuha ng kursong Bachelor of Science in Behavioral Science sa University of the Philippines (UP) Manila. — Tony Sandoval

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with