^

Probinsiya

Baste Duterte nagdeklara ng drug war: 7 todas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Baste Duterte nagdeklara ng drug war: 7 todas!
Ito’y sa loob lamang ng tatlong araw na operasyon ( Sabado, Linggo, Martes)  makaraan namang noong Biyernes ay ideklara ni Mayor Baste ang drug war sa lungsod ng Davao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot na sa pitong drug personalities ang patay kasunod ng idineklarang drug war ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte  nitong Martes sa lungsod.

Ito’y sa loob lamang ng tatlong araw na operasyon ( Sabado, Linggo, Martes)  makaraan namang noong Biyernes ay ideklara ni Mayor Baste ang drug war sa lungsod ng Davao.

“If you do not leave, I will kill you,” babala ni Mayor Baste laban sa mga drug dealers at users sa turnover ceremony sa bagong Police Director ng Davao City na si P/Col. Richard Bad-ang noong Biyernes.

Ayon kay Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng Davao City Police Office, ang mga napatay na dalawa pang nanlabang drug personalities  sa operasyon nitong Martes ng madaling araw ay kinilala nitong sina Elisado Paquibot alyas “Lupin”  ng Toril Poblacion at isang alyas “Ninin”.

Narekober mula kay Paquibot ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P 12,396 at isang caliber revolver habang nakumpiska sa bangkay ni Ninin ang apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 6.1 gramo na nagkakahalaga ng P97,600 at isang cal. 38 revolver.

Bago ito, napatay naman sa drug war operation ang limang drug personalities sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod noong Sabado at Linggo o sa loob lamang ng 24 oras na operasyon.

Sinabi ni Tuazon na ang mga suspect ay nanlaban matapos paputukan ang mga operatiba na nagresulta sa shootout sa magkabilang panig na ikinasawi ng mga target.

Nasa 17 drug personalities na ang nasakote sa 21 buy-bust operations mula Marso 22 hanggang 26 sa lungsod at nakasamsam ng 202.64 gramo ng shabu at 60.36 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,385,195.20.

Sa termino ng ama ni Baste na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, mahigit 6,000 ang nasawi sa madugong drug war.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with