^

Probinsiya

Nursing students nag-joyride: 1 patay, 10 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nursing students nag-joyride: 1 patay, 10 sugatan
Dead-on-the-spot ang biktimang si Angelu Mae Omayao Pateres, 21, nursing student ng University of Cebu-Banilad Campus at siyang nagmamaneho ng SUV habang ginagamot sa ospital ang 10 iba pang estudyante.
STAR/ File

SUV overloaded, bumaliktad

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang joyride ng mga medical students matapos na masawi ang isang nursing student habang sugatan ang 10 iba pa nang bumaligtad ang kanilang sinasakyang sport utility vehicle (SUV) Huwebes ng hapon sa Balamban, Cebu.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Angelu Mae Omayao Pateres, 21, nursing student ng University of Cebu-Banilad Campus at siyang nagmamaneho ng SUV habang ginagamot sa ospital ang 10 iba pang estudyante.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Balamban Municipal Police Station, nangyari ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon sa Brgy. Gaas, Balamban, Cebu.

Minamaneho ng biktimang si Pateres ang Toyota Fortuner at tinatahak ang Transcentral Highway nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela dahil sa pag-iwas sa sasakyang nasa unahan.

Gayunman, sinabi umano ng ilang mga nakasaksi na mabilis ang takbo ng SUV sa pakurbadang bahagi ng daan kaya nawalan ng kontrol sa manibela si Pateres hanggang sa gumewang, tumagilid at bumaligtad ito sa kal­sada.

Ayon sa mga imbestigador, galing sa Cebu City ang sasakyan at patungo sa Asturias nang mangyari ang insidente.

Napag-alamang overloaded din ang SUV dahil 7 lamang ang capacity nito habang nasa 11 ang sakay nang mang­yari ang  aksidente.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with