^

Probinsiya

Mister inutas sa bugbog, isinako saka tinapon sa dumpsite

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister inutas sa bugbog, isinako saka tinapon sa dumpsite
Ang kalunus-lunos na hitsura ng mister na natagpuang nakasilid sa sako sa isang dumpsite matapos umanong pagtulungang patayin sa bugbog ng kanyang mga kaibigan at kainuman sa Brgy. Sta. Cruz, San Fernando, Camarines Sur nitong Linggo ng umaga.
San Fernando Police

SAN FERNANDO, Camarines Sur, Philippines — Patay na at nakasilid sa sako sa isang basurahan nang matagpuan ng ilang residente ang isang 33-anyos na mister na unang naiulat na nawawala sa Brgy.Sta.Cruz, San Fernando, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Namamaga na ang katawan ng biktima na kinilalang si Lorenzo Valladolid Daria, may-asawa at residente ng naturang barangay, dahil sa pinaniniwalaang ilang araw nang namatay bago natagpuang nakasako sa basurahan.

Sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga, ilang residente ang nakakita sa nakabungkos na malaking sako sa dumpsite ng barangay at nang tingnan laking gulat nila dahil sa nakasilid na duguan at pasa-pasang bangkay ng biktima.

Agad naman itong nakilala ng mga kaanak na sinabing ilang araw na itong nawawala.

Naiulat pa ng mga kaanak sa mga opisyal ng barangay na nawawala noong Mayo 4.

Sa imbestigasyon lumalabas na nakipag-inuman umano ang biktima sa ilang kaibigan at sa hindi malamang dahilan ay pinagtulungang bugbugin ito na kanyang ikinasawi. Isa sa kainuman ang sumuko na at umamin sa pagkakapaslang sa biktima. Patuloy pa sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis at pag-alam kung may iba pang sangkot sa krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with