^

Probinsiya

NPA todas sa engkuwentro sa Camarines Sur

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PRESENTACION, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos magkaengkwentro ang mga komunista at sundalo sa bulubunduking lugar ng Brgy.Pili, Presentacion, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng punglo sa katawan ang isang hindi pa nakikilalang kadre na agaran nitong ikinasawi sa lugar mismo ng engkuwentro

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga habang nagsasagawa ng “focused operation” ang mga sundalo mula sa 83rd Infantry Battallion ng Philippine Army nang masalubong ang hindi matukoy na bilang ng mga komunista at agad nagkabakbakan.

Umabot umano ng 10-minuto ang palitan ng putok hanggang sa masapol ng bala at tumimbuwang ang rebelde dahilan para umatras ang mga kasamahan nito  patungo sa norteng bahagi ng barangay.

Maliban sa natagpuang bangkay ng komunista, nabawi rin ng mga sundalo ang isang piraso ng M16 armalite rifle.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with