^

Probinsiya

Salesman na dayo, timbog sa P102K shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Aabot sa P102,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng pulisya sa isang dayong salesman makaraan ang inilatag na buy-bust operation sa Barangay Sto. Tomas, Peñaranda, ng lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Peñaranda Police, bandang alas-3 ng hapon nang kanilang maaresto ang suspek na isang 23-anyos na lalaki, binata, salesman sa SM Cubao, at residente ng Barangay Bahay Toro sa Quezon City.

Ayon sa ulat, isang plastic sachet umano ng sinasabing shabu ang nabili ng poseur-buyer na pulis sa suspek kapalit ng isang markadong P1,000 bill.

Nang kapkapan ang suspek ay may 3 pang plastic sachet ng hinihinala ring shabu ang nakuha sa suspek kasama ang ibinayad na “marked money”.

Tumitimbang umano ng 15 gramo sa standard drug price ang nakumpiskang shabu na nagkakahalaga naman ng P102,000.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 Art. II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with