^

Probinsiya

Tinyente, patay sa salpok ng ambulansya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasawi ang isang opisyal ng pulisya matapos masalpok ng ambulansya ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Baligatan, Ilagan City ng lalawigang ito, ayon sa ulat kama­kalawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si P/Lt. Joaquin Accad, 49, residente ng Enrile, Cagayan.

Nakilala naman ang driver ng ambulansya na si Hilario Pasion, 50, residente ng San Jose, Delfin Albano, Isabela.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na galing sa magkasalungat na direksyon ang motorsiklo na minamaneho ng biktima at ang ambulansya na minamaneho ni Pasion nang umagaw umano sa linya ang ambulansya na naging dahilan para masalpok ang kasalubong na motorsiklo ng biktima sa palikong bahagi ng lansangan.

Bilang resulta ay nagtamo ng mga malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng ambulansya na nasa pangangalaga ngayon ng Ilagan City Police Station.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with