^

Probinsiya

2 ahas namugad sa wallpaper sa Nueva Ecija, nakabulabog ng pamilya

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
2 ahas namugad sa wallpaper sa Nueva Ecija, nakabulabog ng pamilya
Kuha ng isang ahas na natagpuang nagtatago sa wallpaper decor ng isang bahay sa Nueva Ecija
Video grab mula sa Facebook account ni Rosemarie Ancheta

MANILA, Philippines — Takot ang bumalot sa isang pamilya sa Nueva Ecija matapos matuklasan ang dalawang nanunuklaw na ahas na nakatambay sa kanilang wallpaper, bagay na viral ngayon sa social media.

Sa ulat ng GMA News, sinabi ng maybahay na si Rosemarie Ancheta na isang gabi nang marinig nila ang ilang kaluskos na nanggagaling sa palamuti sa bahay.

"Ispin niyo kung anak niyong sanggol ang nakakita nito. Nakakaalarma," wika ng Facebook user na si Rosemarie Ancheta sa Inggles sa Facebook noong nakaraang linggo.

"AHAStetik sa Wallpaper. Tignan niyo pano sya tumuklaw."

 

 

Aniya, nangangagat daw ang mga naturang ahas ngunit wala namang kamandag. Gayunpaman, kinailangan na raw nilang patayin ang mga nabanggit dahil sa meron silang toddler sa bahay.

Pagtataya nila, ahas tulog o "common wolf snake" ang hayop.

Umabot na sa 2.2 milyong views ang ikalawang Facebook reel ni Ancheta tungkol sa mga naturang ahas.

"Nakita sa wallpaper decor. Not advisable for rough finish," dagdag pa ni Ancheta, lalo na't wala pang palitada ang kanilang pader kung kaya't tinakpan noon ng wallpaper.

"Ingat sa mga wallpaper natin!"

Gayunpaman, idiniin ng ilang netizens na wala naman sa wallpaper ang problema kung hindi maaaring sa mismong bahay na.

Pagtataya nina Ancheta, posibleng napunta sa kanilang kwarto ang mga ahas matapos putulin ang ilang puno sa katabi nilang loto. Maulan din aniya nang mamataan ang mga ito.

vuukle comment

NUEVA ECIJA

SNAKE

WALLPAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with