^

Probinsiya

7-anyos ginahasa, pinatay sa loob ng kuweba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
7-anyos ginahasa, pinatay sa loob ng kuweba
Unang ini-report sa Lucban Police ng magulang ng batang biktima na itinago sa pangalang “Nene”, isang Grade 2 pupil, ang pagkawala nito nang hindi na siya nakauwi noong Sabado ng gabi sa kanilang bahay.
STAR/File

Ginapos, bangkay tinakpan ng mga bato

LUCBAN, Quezon, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng 7-anyos na batang babae matapos siyang igapos, gahasain at patayin saka tinakpan ng mga bato ang bangkay nito sa loob ng isang kuweba sa magubat na bahagi ng brgy. Palola ng bayang ito noong Linggo ng umaga.

Unang ini-report sa Lucban Police ng magulang ng batang biktima na itinago sa pangalang “Nene”, isang Grade 2 pupil, ang pagkawala nito nang hindi na siya nakauwi noong Sabado ng gabi sa kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ng tiyo ng biktima ang krimen nang hinahanap ang nawawalang pamangkin sa lugar ay nakita nito ang isang lalaki na may dala umanong panghukay at lumabas sa kuweba.

Nang makalayo ang lalaki na umano’y kapitbahay ng biktima, agad tinungo ng tiyo ang kuweba at doon na siya nagulantang nang makita ang tsinelas ng bata. Napansin pa nito ang mga bato na tila ina­yos ang pagkakalagay at nang kanyang pag-aaalisin ay tumambad sa ilalim nito ang wala nang buhay na katawan ng pamangkin.

Ayon kay Major Marnie Abellanida, Lucban police chief, agad na ini-report sa kanilang himpilan ng tiyo ang nadiskubre at sa pagsisiyasat ay positibong kinilala ng kanyang ina ang nasawing bata.

Natuklasan na nakagapos ang mga kamay ng biktima at walang underwear o suot na pang-ibaba..

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad at inaresto ng 33-anyos na lalaki na si Alyas Noel na nanggaling sa kuweba na siyang iti­nuring na suspek sa krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Lucban Police at kinakalap pa nila ang mga kuha ng CCTV sa lugar na makakatulong sa imbestigasyon upang malaman kung paano tinangay ng suspek ang biktima patungo sa nasabing ilang na lugar.

Isasailalim na rin sa pagsusuri ng SOCO ang labi para malaman ang ikinasawi at kung ginahasa ang biktima.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with