^

Probinsiya

Manhunt vs killer ng pulis sa Maguindanao, patuloy

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patuloy ang paghahanap ng pulisya at ng mga barangay officials sa pumatay at tumangay ng baril ng isang pulis sa Parang, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Miyerkules.

Sa ulat nitong Biyernes ng Parang Municipal Police Station, tumutulong na ang ilang local officials sa pagtunton sa suspek na si Dilah Macapaar Taha na siyang nakita ng mga saksi na bumaril kay Staff Sgt. Abdulgafor Untal, kasapi ng isa sa mga unit ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at tinangay pa ang service firearm nito sa kanyang pagtakas.

Ayon sa mga saksi, narinig nilang may mainit na diskusyon si Untal at Taha sa isang madilim na lugar sa Barangay Poblacion 2 sa Parang bago umalingawngaw ang ilang mga putok na nakagulat sa kanila.

Nakita nilang nakahandusay na ang pulis na si Untal sa lupa habang si Taha ay dinadampot naman ang baril ng biktima at agad na tumakbo palayo na bawat kamay may hawak na baril. 

vuukle comment

POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with