^

Probinsiya

Trak vs van: 2 dedo, 20 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trak vs van: 2 dedo, 20 sugatan
Rumesponde ang rescue team upang kunin ang mga naipit na biktima nang magsalpukan ang isang pampasaherong van at aluminum close van truck sa highway na sakop ng Purok 4, Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya na kung saan dalawang katao ang nasawi.

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang dalawampu ang sugatan nang magsalpukan ang aluminum closed van truck at pampasaherong van sa bahagi ng Purok 4, Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Ciriaco Vertodaso, 40, driver ng aluminum closed van, may-asawa at residente ng Ina­ngan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya at pasaherong si Mariano Prades, 46, residente ng Santiago City.

Sa ulat, binabagtas ng Toyota Hi-Ace Commuter Van na minamaneho ni Darwin Raquipo, 43, residente ng Victory Sur, Santiago City at driver ng Isuzu aluminum closed van na si Ciriaco Vertodaso, 40 ang national highway na sakop ng Purok 4, Barangay Nagcuartelan mula sa magkasalungat na direksyon.

Bigla na lamang umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng commuter van na dahilan upang masalpok nito ang aluminum closed van truck na nasa kasalungat na linya.

Bilang resulta, nasawi ang driver na si Vertodaso at pasaherong si Prades.

Nabatid na galing umano sa Bicol ang magkakaanak na Villalon na sakay ng pampasaherong van na may lulang 20 katao kabilang ang driver at pauwi na ng Santiago City nang maganap ang aksidente.

Sampung pasahero ng van ang nasa pagamutan nang magtamo ng bali sa braso, binti at fracture sa ulo kabilang ang dalawang pahinante ng close van truck.

Inaalam pa sa ngayon ang halaga ng pinsala na iniwan ng aksidente habang kinasuhan ang driver ng pampasaherong van na si Raquipo ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injury at Damage to Property na isinailalim sa hospital arrest.

vuukle comment

NUEVA VIZCAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with