^

Probinsiya

2 timbog sa baril at shabu sa checkpoint

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 timbog sa baril at shabu sa checkpoint
Ang dalawang hinihinalang hired killers (kapwa nakaupo) habang iniimbestigahan ng awtoridad matapos masabat sa isang checkpoint sa Brgy. Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguinda­nao kamakalawa.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang kasapi ng “gun-for-hire” ang nasabat at nakunan ng isang. 45 pistol, shabu at hindi rehistradong motorsiklo ng mga pulis sa isang checkpoint sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong gabi ng Biyernes.

Nasa kustodiya na ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang mga suspek na sina Gapor Eskak Marohom, 34-anyos, at 42-anyos na si Khadaffy Abdullah Kalog na kakasuhan ng illegal possession of firearm, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Land Transportation and Traffic Code dahil sa paggamit ng motorsiklong walang plaka at re­histro. 

Sa ulat nitong Sabado ni Lt. Col. Esmael Madin, hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, kusa nang nagpaaresto sina Marohom at Kalog nang maharang ng mga pulis sa isang bahagi ng highway sa Barangay Kusiong, kung saan kilala umano ang dalawa sa kanilang pagbebenta ng shabu.

Aabot sa P8,160 ang halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspect na ayon sa ilang mga residente ng Datu Odin Sinsuat ay pinagduduhan nilang sangkot sa mga serye ng pamamaslang sa naturang bayan at sa hindi kalayuang Cotabato City nitong nakalipas na ilang buwan.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with