^

Probinsiya

Minahan sa Nueva Vizcaya, nasungkit ang presidential award

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Minahan sa Nueva Vizcaya, nasungkit ang presidential award
Nagpamalas ng kanilang kakayahan ang mga minero kasama ng isang babae mula sa Didipio Mine ng OceanaGold Philippines matapos lumahok sa Fire Brigade Competition na bahagi ng 5-day 69th Annual Mine Safety and Environment Conference (ANMSEC) sa Melvin Jones Grandstand sa Baguio City.
Victor Martin

Quezon, Nueva Vizcaya, Philippines — Nasungkit ng FCF Minerals Corporation na nakabase sa Barangay Runruno, Que­zon ng lalawigang ito ang pinakamataas na parangal sa larangan ng pagmimina bilang bahagi ng 5-araw na 69th Annual National Mine Safety and Environment Conference (ANMSEC) na ginanap sa Camp John Hay, Baguio City nitong Nobyem­bre 13 hanggang 18.

Ayon kay FCF Mine­rals general manager for operations Lorne Harvey, tatlong parangal ang kanilang nasungkit sa taon na ito na kinabibilangan ng prestihiyosong Presidential Mi­neral Industry Environmental Award (PMIEA), ang pinakamataas na award na iginagawad ng Philippine Mine Safety and Environmental Association (PMSEA) nitong nakalipas na linggo.

Itinanghal din ang FCF Minerals bilang Best Mining Forest Program sa ilalim ng Metals category at ang 2023 Mines’ Best Personality para sa Surface Safety Inspector sa pamamagitan ng kanilang minero na si Ronald Wayan.

“This award is for men and women in our Runruno mine operation. Without their tireless dedication to excellence, none of this would have been possible,” pahayag ni Harvey.

Ang taunang PMIEA award ay ipinagkakaloob lamang sa mga minahan na nagpapakita ng pinakamataas na antas ng pamantayan sa pagmimina at tagumpay sa larangan ng environmental management, occupational health and safety, at wagi sa pagpapatupad ng kanilang corporate social responsibility bilang bahagi ng responsableng pagmimina.

Samantala, nakamit naman ng OceanaGold Philippines Inc., na naka­base rin sa lalawigang ito ang tatlong mga parangal na kinabibilangan ng Safest Underground Mi­ning Operations, Safest Mineral Processing-Extraction sa ilalim ng safest mines awards category, at ang Best Underground Miner sa katauhan naman ng minerong si Charles Pangalina sa ilalim ng Mines’ Best Personalities.

Ang Australian-owned OceanaGold Phili­ppines’ Didipio mine na nakabase sa bayan ng Kasibu at ang FCF Mi­nerals’ gold-molybdenum project na nasa kalapit na bayan ng Quezon, na kapwa nasa lalawigang ito, ay kabilang sa dalawang large-scale mining projects na naprubahan sa ilalim ng 1995 Mining Act.

vuukle comment

AWARD

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with