^

Probinsiya

Kandidatong tserman pinasok ng 5 maskarado, P.2 milyon tangay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Kandidatong tserman pinasok ng 5 maskarado, P.2 milyon tangay
Stock photo of a peso money bill.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

LUCENA CITY, Philippines —Nasa P200,000 cash ang natangay ng limang maskaradong lalaki matapos umano nilang pasukin at pagnakawan ang bahay ng isang kandidato sa pagka-chairman ng Barangay Barra sa lungsod na ito nitong bisperas ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ayon sa ulat ng Lucena City Police, bandang alas-11:00 ng umaga ay dumating sa nasabing barangay ang isang kulay gray na van na lu­lan ang limang lalaki na pawang nakasuot ng kulay itim at puting face mask at armado ng mga baril.

Hinahanap umano ng mga suspek ang kumakandidato sa pagka-kapitan ng Barangay Barra na si Kent Rigor Adversario, 30, at nang hindi makita ay pinasisipa hanggang sa masira ang pintuan ng bahay nito.

Nang makapasok sa bahay ang mga suspek, sinabayan ni Adversario ng pagtakas sa pamamagitan ng pag­daan sa likurang pinto ng kanyang tahanan.

Nang bumalik ang biktima sa kanyang bahay makalipas ang isang oras ay natuklasan niyang nawawala na ang nabanggit na halaga ng pera na nakalagay sa isang durabox.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pu­lisya upang makilala ang mga suspek at upang ma­laman kung may ka­ugnayan sa eleksyon ang pangyayari.

vuukle comment

BSKE

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with