^

Probinsiya

DepEd employee, napisak ng bus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 57-anyos na lalaki ang nasawi nang mahulog at magulungan ng bus na kanyang hinahabol,   Martes ng gabi sa Cebu City.

Dead on arrival sa Cebu City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Erwin Omblero, em­pleyado ng Department of Education (DepEd) Cebu City dahil sa tinamong  pinsala sa katawan.

Ayon kay Police Captain Mark Don Alfred Leanza, hepe ng Abellana Police Station ng Cebu City, alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Cebu South Bus Terminal, Barangay Sambag 1, Cebu City.

Sa pahayag ng saksing si Allan Geraldizo, bus dispatcher, hinabol umano ng biktima ang bus na noo’y  papaalis na kaya pinilit nito na  ikapit ang isang kamay  habang bitbit naman ng kabilang kamay kanyang mga gamit.

Subalit,nakabitiw ang biktima  hanggang sa pumailalim sa bus hanggang sa masagasaan  ng likurang gulong ng bus na hindi namalayan ng driver.

Samantala, desidido naman ang pamilya ng biktima na sampahan ng kasong kriminal ang drayber ng nasabing bus na ngayon ay nakakustodiya na ng pulisya.

vuukle comment

CCMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with