^

Probinsiya

Sundalo todas sa NPA rebels

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sundalo todas sa NPA rebels

MANILA, Philippines — Isang sundalo nasawi habang sugatan ang isa pa sa naganap na engkwentro laban sa mga miyembro ng Communist Party of the Phi­lippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Sitio Agdalusan, Brgy.Jayubo, Lambunao, lalawigan ng Iloilo nitong Martes ng umaga.

“Hindi pa natin ma­ibu­bunyag ang mga pa­ngalan ng ating mga sundalo dahil ka­­ilangan muna na­ting ipaalam sa kani-kanilang pamilya,” ani Brig. Gen. Michael Samson, kumander ng 301st Infantry Brigade.

Ang mga sundalo ay mula sa 82nd Infantry Battalion ng Philippine Army (82IB).

Narekober sa engkwentro ang dalawang M16 rifle, isang kalibre .45 na pistola at ilang subersibong dokumento na naiwan ng mga rebelde, na kabilang sa Baloy Platoon, Central Front Komiteng Rehiyon-Panay.

Sinabi ni Samson na ang Lambunao ay may mga bulubundukin, na ginagamit ng mga rebelde bilang ruta upang lumipat mula sa isang lugar patungo sa isa pa dahil wala na silang suporta mula sa mga mataong lugar.

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with