^

Probinsiya

Bahay nabagsakan ng malaking bato, bebot patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bahay nabagsakan ng malaking bato, bebot patay
Dead-on-arrival na sa Rizal Provincial Hospital Annex III ang biktimang si Catalie Perez Diongco dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.
STAR/ File

Burol gumuho sa Antipolo City…

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae nang mabagsakan ng isang malaking bato ang kanilang tahanan matapos gumuho ang isang bahagi ng burol na lumambot dahil sa malalakas at walang tigil na pag-ulan sa Antipolo City kamakalawa.

Dead-on-arrival na sa Rizal Provincial Hospital Annex III ang biktimang si Catalie Perez Diongco dahil sa matinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang landslide sa tahanan ng biktima sa Sitio Puting Bato 1, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal.

Nabatid na mag-isa umano ang biktima sa kanilang bahay nang bigla na lang gumuho ang isang lumambot na bahagi ng burol sa lugar dulot ng mga pag-ulan.

Dahil dito, nabag­sakan ng malaking bato ang bahay na nagresulta sa pagkamatay ng biktima na noon ay nasa kahim­bingan pa ng pagtulog.

Kaagad naman siyang naisugod ng mga rescue team sa pagamutan ngunit hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

HOSPITAL ANNEX III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with