^

Probinsiya

2 ‘bolt cutter gang’ naaktuhan na nagnanakaw sa tindahan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawang hinihinalang miyembro ng “bolt cutter gang” ang nalambat matapos maaktuhan ng dalawang nagpapatrolyang pulis na ninanakawan ang isang tindahan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Amuyong, Alfonso, dito sa lalawigan.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Benjie Baldoza, 32-anyos at Arllie Villanueva, 30 an­yos; kapwa residente ng Queensrow Area B, Molino, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni Patrolman Billy Jhon Cruto, alas-2:30 ng madaling araw nang matiyempuhan ng nagro-roving na police patrol na sina Police Sergeant Jefferson Rivera at Patrolman Sandy Versoza sakay ng Mobile ang mga suspek.

Ayon sa mga pulis, kanilang nakita ang isang motorsiklo na walang plaka at naka-park sa tapat ng Emmiel Sari-Sari store na pag-aari ni Rolando Alcedo, 57 anyos ng nasabing lugar.  Dito, sinita nila ang mga suspek na ang isa ay may hawak na bolt cutter habang ang isa ay may bitbit nang bultu-bultong grocery items mula sa naturang tindahan.

Nakita rin ng dalawang pulis na sira ang padlock ng tindahan. Dito agad nilang inaresto ang mga suspek na hindi na nakapalag. Nakuha rin sa kanila ang isang cal. 38 na baril na kargado ng mga bala at isang hand grenade.

vuukle comment

CRUTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with