^

Probinsiya

P1.4 milyong shabu samsam sa 3 drug trafficker

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
P1.4 milyong shabu samsam sa 3 drug trafficker
Ayon sa ulat, nakumpiska ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing droga mula sa mga suspek na sina Rolando Uri, 52; Mila Malana, 50, at Michael Uri, 37, na pawang nadakip sa Barangay Maura dakong alas-5 ng umaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasamsam ng anti-narcotics agents ang nasa 208 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P1.4 milyon mula sa tatlong hinihinalang drug trafficker sa Aparri, Cagayan nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, nakumpiska ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing droga mula sa mga suspek na sina Rolando Uri, 52; Mila Malana, 50, at Michael Uri, 37, na pawang nadakip sa Barangay Maura dakong alas-5 ng umaga.

Naaresto ang tatlong suspek sa isina­gawang pagsalakay sa kanilang bahay ng mga ahente ng PDEA at mga pulis na armado ng search warrants na inisyu ng korte sa Aparri.

Bukod sa shabu, nasa 90 gramo pa ng marijuana na nagkakahalaga ng P10,000 at .38 kalibreng baril ang narekober mula sa mga suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with