^

Probinsiya

4 tiklo sa P775,200 droga

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga anti-narcotics officers ang apat na lalaki sa magkahiwalay na drug operation sa Lanao del Norte at Zambales,noong Biyernes at nakumpiska ang nasa 114 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nasa P775,200.

Sa Lanao del Norte, nasamsam ng mga ope­ratiba ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang 74 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P503,200 sa Bacolod town sa dalawang suspek na sina Norhaya Balowa at Aisa Tomiya Balowa, na nadakip sa raid at sa kanilang bahay sa Barangay Demarao, pasado alas-5:00 ng umaga.

Bukod sa shabu, nasamsam din ang mga ito ng limang gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,350.

Samantala,naaresto naman sina Jeric Parinas, 36, at Aike Alsaro Berto, 28, sa drug raid at nakumpiska sa kanila ang 40 gramo ng  shabu na nagkakahalaga ng P272,000 sa Brgy. Calapacua, Subic, Zambales, pasado alas-3:25 ng madaling araw.

Ang mga suspek ay kinasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165, o kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

vuukle comment

LANAO DEL NORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with