^

Probinsiya

14-anyos pumalag sa rape, pinatay sa bundok!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
14-anyos pumalag sa rape, pinatay sa bundok!
Pinaniniwalaang hinataw ng matigas na bagay ang ulo dahilan ng agarang pagkasawi ng biktima na itinago sa pangalang “Alona”, Grade 10 student at residente ng Sitio Punta, Brgy. Cawayan, Claveria, Masbate.
STAR/ File

Habang namumulot ng mga kahoy  

CLAVERIA, Masbate, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 14-anyos na dalagita na hinihinalang pumalag sa tangkang panghahalay matapos na matagpuang basag ang ulo sa bulubundu­king lugar ng Sitio Punta, Brgy. Cawayan ng ba­yang ito, kamakalawa ng umaga.

Pinaniniwalaang hinataw ng matigas na bagay ang ulo dahilan ng agarang pagkasawi ng biktima na itinago sa pangalang “Alona”, Grade 10 student at residente ng Sitio Punta, Brgy. Cawayan, Claveria, Masbate.

Agad namang na­aresto sa hot pursuit operation ng mga rumes­pondeng pulis ang tumakas na suspek na kinilalang si Vicente Tawe Armamento, 58-anyos, binata na sinasabing nakikituloy lang sa bahay ng pamilya ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, nagpaalam ang dalagita para mangahoy sa kanilang bukid, may 3-kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.

Nabatid na alas-10 ng umaga ay sumunod umano si Armamento sa biktima. Ilang oras ang lumipas ay umuwi ang suspek na may dalang mga kahoy na panggatong pero hindi nito kasama ang dalagita.

Nabahala ang ilang kaanak kaya umakyat sila ng bundok at hinanap ang biktima Laking gulat nila nang tumambad sa kanila ang biktima na nakahandusay sa damuhang bahagi ng bukirin na basag at duguan ang kaliwang bahagi ng ulo. Natagpuan din sa crime scene ang isang pares ng tsinelas at cellphone.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay nito at kung biktima ng panggahasa ng suspek.

vuukle comment

CAWAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with