^

Probinsiya

Pasahero ng barko mula Batangas, tumalon sa dagat; 2 oras hinanap

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Pasahero ng barko mula Batangas, tumalon sa dagat; 2 oras hinanap
Stock image ng dagat.
Image by StockSnap from Pixabay

(Romblon News Network) — Isang lalaki na pasahero ng M/V Del Rosario ng Montenegro Shipping Lines ang tumalon sa dagat na bahagi ng Batangas nitong gabi ng Lunes.

Ayon sa mga saksi, nakita nilang ang lalaki na lumapit sa gilid ng barko at maya-mayang biglang tumalon sa dagat.

Biyaheng Batangas patungong Odiongan, Romblon ang barko na sinasakyan ng lalaki.

Mahigit dalawang oras na pinaghahanap ang lalaki ng mga crew ng M/V Del Rosario hanggang sa makipag-ugnayan sa kanila ang mga tripulante ng Starlite Ferries dahil namataan umano ng kanilang barko ang lalaki.

Sa tulong ng Coast Guard Calapan, nailigtas at naibalik sa barko ang nasabing lalaki.

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng lalaki kung bakit ito tumalon sa barko.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
 

 

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com. 

vuukle comment

SHIPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with