^

Probinsiya

Misis sinuwag ng van, binti naputol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMALIG, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng 25-anyos na ginang matapos maputol ang kanyang kanang binti nang suwagin ng rumaragasang van sa tabi ng Maharlika Highway sa Brgy. Salugan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Dahil sa inabot na pinsala, inoobserbahan sa pagamutan ang biktimang si Maryjane Abejo Garin, may-asawa, residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Camalig Police, pasado alas-2 ng hapon habang nasa tabi ng kalsada ang biktima at nag-aabang ng masasakyang dyip nang biglang araruhin ng L300 van (V2 8313) ) na minamaneho ni Lemuel Nieva Moran, residente ng Anoling, Relocation Site, Camalig.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na drayber umano ng DPWH Regional Office 5 si Moran na sinasabing nangangamoy alak nang maganap ang insidente.

Sa bilis ng takbo ng van, naipit ang biktima sa pagitan ng sasakyan at konkretong poste dahilan para maputol ang kanyang kanang binti mula sa tuhod hanggang paa na tumalsik ng ilang metro.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan habang kalaboso ang lasing na drayber na nahaharap sa kaso.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with