^

Probinsiya

Local officials ng Bulacan nagkaisa laban sa illegal quarry at pagbaha

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga pinuno ng pamahalaan sa Bulacan sa pangunguna nina Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro upang resolbahin ang mga problema ng lalawigan sa ginanap na “Strengthening Governance Through Adaptive Leadership and Management” meeting sa The Manor, Camp John Hay, Baguio City nitong Setyembre 19-21.

Sa pambungad na mensahe, pinasalamatan ni Fernando ang lahat ng dumalo sa pulong na kinabibilangan ng mga mayors, vice ma­yors at iba pang lokal na opisyal ng Bulacan at mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, na naglalaan ng oras upang pag-usapan ang matatagal nang isyu ng Bulacan kabilang ang illegal quarrying at logging, reclassification ng land use, at pagbaha.

Sa unang araw ng forum, tinalakay ni Bulacan Chamber of Commerce and Industry President Victor F. Mendoza ang paksang “BCCI: Your Private Sector Partner in Development” kung saan ipinaabot ni Castro ang kagustuhan ng Sangguniang Panlalawigan na gumawa ng mga ordinansa na magiging kapaki-pakinabang upang mapanatili ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor.

Gayundin, tinalakay ni DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon ang “DTI Strengthening Partnerships and Collaboration with LGUs in Business Development and Consumer Protection”,  habang ibinahagi ni Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria SF. Carrillo ang “Province-led Agriculture and Fishe­ries Extension Systems (PAFES)” at binuksan ng pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office Abgd. Julius Victor De Gala ang tala­kayan patungkol sa mga hakbang ng Bulacan upang patuloy na protektahan ang kalikasan.

vuukle comment

ILLEGAL QUARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with