^

Probinsiya

Tiyo kinatay ng may topak na pamangkin

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Tiyo kinatay ng may topak na pamangkin
Tinangka pang isu­god ng mga kamag-anak ang biktima na kinilalang si Marlon Berja Benasa, sa Cagraray District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.
File

Bacacay, Albay, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na binata matapos pagsasaksakin ng kanyang sa­riling pamangkin na sinasabing sinumpong ang sakit sa pag-iisip sa Purok 2, Brgy. Tambilagao ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Tinangka pang isu­god ng mga kamag-anak ang biktima na kinilalang si Marlon Berja Benasa, sa Cagraray District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Isinuko naman sa mga rumespondeng pulis ng kanilang mga kaanak ang suspek na si Mike Barro Benosa, 21-anyos, binata at re­sidente sa nasabing pu­rok.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga habang nagsisiga sa kusina ang biktima para magluto nang lapitan ng suspek at ilang beses na pinagsusuntok.

Dahil alam na may sakit sa pag-iisip ay umiwas na lamang ang biktima pero bigla na lang siyang hinabol ng pamangkin na may hawak na patalim.

Nang maabutan ang biktima ay ilang beses siyang pinagsasaksak ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na duguang humandusay.

Pinagtulungang disarmahan ng mga kamag-anak ang suspek at inagaw ang hawak na patalim saka isinuko sa mga pulis.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with