^

Probinsiya

Bus bumaliktad: Mag-asawa dedo, 4 pa sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Bus bumaliktad: Mag-asawa dedo, 4 pa sugatan
Kinilala ng Naguilian Police ang mga nasawi na sina Myrna Corpuz at Oliver Corpuz, kapwa residente ng Barangay Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.
STAR/ File

SANTIAGO CITY, Isa­bela, Philippines — Patay ang mag-asawa habang apat na iba pa ang nasugatan matapos bumaliktad ang isang pam­pasaherong bus sa kaha­baan ng national highway sa Naguilian sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng Naguilian Police ang mga nasawi na sina Myrna Corpuz at Oliver Corpuz, kapwa residente ng Barangay Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.

Kinilala naman ang iba pang sugatan na lulan ng Victory bus (CXU 844) na sina Richelle Dutdut, 43, kundoktor ng bus; Do­minador Antolin III, 23; Marvin Balinag, 34, isang sundalo, at Wilmer Dumo, 28, miyembro rin ng Armed Forces of the Philippines.

Ang mga biktima ay isinugod ng mga rumes­pondeng rescue personnel sa GFNDy Memorial Hospital sa City of Ilagan at PMPC Memorial Hospital sa bayan ng Naguilian.

Batay sa inisyal na ulat, pumalya umano ang preno ng bus na minamaneho ni Jerome Rivera­, 46, re­sidente ng Calaocan, Santiago City na naging dahilan para ito ay bumaliktad bago sumal­pok sa poste ng kuryente pagsapit sa madulas at pababang bahagi ng kalsada sa Barangay San Manuel dulot ng patuloy na pag-ulan.

vuukle comment

DEAD

MYRNA CORPUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with