^

Probinsiya

Jeep hulog sa bangin: 2 estudyante dedo

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Jeep hulog sa bangin: 2 estudyante dedo
Kinilala ang mga nasawi na sina Rolly Quintino, 24; at Cedric Wasit, 25, habang sugatan ang isa pang pasahero na si Alzimer Anton Menes bunsod ng mga tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan; pawang residente ng Barangay Palew, Tublay, Benguet.
STAR/ File

BAGUIO CITY, Philippines — Da­lawang estudyante ang patay habang isa pa ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang jeepney sa bangin sa Lower Tomay, Bahong, La Trinidad, Benguet noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolly Quintino, 24; at Cedric Wasit, 25, habang sugatan ang isa pang pasahero na si Alzimer Anton Menes bunsod ng mga tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan; pawang residente ng Barangay Palew, Tublay, Benguet.

Ayon sa ulat ng Traffic Investigation and Ma­nagement Enforcement Section ng the La Trinidad Police, nanggaling ang tatlong biktima sa La Trinidad at bumabagtas pauwi sa Barangay Palew, Tublay nang pagdating nila sa bisinidad ng Lower Tomay ay nawalan ng kontrol sa manibela si Wasit na siyang nagsisilbing driver ng nasabing jeep.

Sa bilis ng pangyayari, bumangga ang jeep sa riprap wall at tumama ang jeep sa gilid ng kalsada at tuluy-tuloy na nahulog sa may 10-metrong lalim na bangin.

Mabilsi na sumaklolo ang mga awtoridad at residente sa lugar at nang maiahon ang mga biktima ay agad na isinugod sa Benguet General Hospital (BeGH) subalit idinekla­rang dead-on-arrival sina Quintino at Wasit.

Matapos malapatan ng lunas, idineklara na nang nasa “stable” condition na si Menes.

vuukle comment

ROLLY QUINTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with