^

Probinsiya

3 sasakyan nagkarambola: 1 patay, 7 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang angkas ng isang motorsiklo habang pitong iba pa ang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Candelaria-San Juan Batangas bypass road na sakop ng Barangay Sta. Ca­talina Sur, sa bayang ito, kamakalawa ng mada­ling araw.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilala lamang sa alias na “Gio” samantalang ginagamot sa Candelaria District Hospital dahil sa mga tinamong sugat sa katawan sina Jaylord Cabe, 44, Raniel Luno, 19, Arianne Joy Maguila,17; kapatid na si Ara Jane, 15; Aljhon Ilao, 17; Emily Sabate, 36, at Angelica Aculina, 30; pawang residente ng Barangay Sta. Ca­talina Sur.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang ala-1:00 ng madaling araw habang minamaneho ni Cabe ang isang Rusi motorcycle at nakaangkas si Gio nang banggain sila sa hulihang bahagi ng sumusunod na Toyota Hi-Ace van na minamaneho ni Daniel Barba, 45, ng Quezon City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang motorsiklo at mga biktima na agad na ikinamatay ni Cabe, samantalang inararo pa ng van ang isang tricycle na kinalululanan naman ni Luno at ng kanyang lima pang pasahero na naging dahilan ng kanilang pagkakasugat.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng van at nahaharap sa patung-patong na asunto.

vuukle comment

GIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with