^

Probinsiya

Lady municipal welfare officer itinumba!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lady municipal welfare officer itinumba!
Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Carmel A. Eubra, dalaga, nakatalaga sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayan ng Viga at residente ng naturang lugar dahil sa tinamong mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
STAR / File

VIRAC, Catanduanes , Philippines — Dead-on-the spot sa loob ng minamaneho nitong sasak­yan ang isang kawani ng munisipyo matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Oceanview Subdivision, Brgy. San Isidro Village ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Carmel A. Eubra, dalaga, nakatalaga sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayan ng Viga at residente ng naturang lugar dahil sa tinamong mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, minamaneho ni Eubra ang kanyang Mitsubishi Expander (EAD-3661) at papasok na sa kanilang subdivision nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang sasakyan ng biktima sanhi upang nagkabutas-butas ang salamin at tinamaan ng mga bala ang biktima.

Matapos na makitang napuruhan ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

ITINUMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with