^

Probinsiya

Pedestrian sinuwag ng trak, dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 29-anyos na pedestrian makaraang salpukin ng isang truck na nawalan umano ng preno kamakalawa ng gabi sa Governor’s Drive, Brgy. Bancal, Carmona, dito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlito Alamag Tabuena, driver at residente ng Brgy Bancal Carmona Cavite.

Sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Arnold Malazarte, may hawak ng kaso, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan nagla­lakad ang biktima sa may shoulder lane ng kalsada nang biglang suwagin ng Isuzu truck na may plakang DAC-5969 na minamaneho ni Gregorio Guinto, 53- anyos ng J. Ricafrente St., Ligtong IV, Rosario, Cavite.

Nabatid na bumabag­tas ang nasabing truck sa Governor’s drive patungo ng GMA direction at nang mapadako na ito sa pakurbang kalsada, hindi nito nakayanan na magpreno at nagdire diretso sa naglalakad na biktima.

Nabatid na may kabilisan ang takbo ng truck kung kaya nang nasa pakur­bang kalsada na ay hindi na kumagat ang preno nito hanggang sa bumangga sa tumatawid na biktima.

vuukle comment

PEDESTRIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with