Comelec at SM Lucena inilunsad ang Let’s Vote Pinas
LUCENA CITY, Philippines — Nagsanib-puwersa ang Commission on Elections ( COMELEC ) at SM Supermalls para ilunsad ang Let’s Vote Pinas o Vote Counting Machine ( VCM ) Demo and Experience sa publiko, kamakalawa.
Ang inisyatibang Let’s Vote Pinas ay bahagi ng Voter Education program ng COMELEC na naglalayong palakasin ang tiwala ng publiko sa paggamit ng VCM at makapagbigay ng karanasang hands-on at edukasyonal bilang paghahanda sa gaganaping pambansang halalan sa May 9, 2022.
Hindi eksklusibo sa mga rehistradong botante ang demo, bukas ito sa lahat ng mga Filipino, walang pinipiling edad upang maturuan ang kanilang sarili na maging handa sa proseso ng halalan.
- Latest