^

Probinsiya

5.2 magnitude na lindol, tumama sa Batanes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Ba­tanes nitong Sabado ng gabi.

Batay sa inilabas na bulletin ng Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabatid na dakong alas-9:53 ng gabi nang tumama ang lindol sa Basco, Batanes.

Anang Phivolcs, ang epicenter ng naturang lindol na tectonic ang origin ay natukoy may 40 kilometro sa hilagang sila­ngan ng Basco. Ito ay may lalim na 29 kilometro.

Naramdaman din umano ang Intensity 3 sa Basco.

Ayon kay Phivolcs Director­ Renato Solidum, ang lindol ay dulot ng fault na nabuo nang ang kontinente ng Asya ay bumangga sa tip ng northern­ Luzon.

“Sa Batanes kasi maraming fault sa lupa, at ito ay dulot ng collision ng kontinente ng Asia doon sa dulo ng northern Luzon. Ang Batanes at Taiwan island ay collision zone, binabangga, kaya paminsan-minsan ay may lindol sa dagat na nararamdaman ng mga isla malapit sa Batanes,” paliwanag pa niya sa isang panayam sa telebisyon.

Wala naman umanong inaasahang pinsalang na­idulot ang naturang lindol ngunit asahan na ang pagkakaroon ng mga after­shocks.

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with