^

Probinsiya

3 bata naglaro sa spillway, patay sa lunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
3 bata naglaro sa spillway, patay sa lunod
Kinilala ang mga nasawi na sina Gab­riel Andaya, 5-anyos, kapatid nitong si Lian Rime, 3-anyos, at pinsan nilang si Lansen Andaya Ilanan, 4-an­yos; pawang residente ng Zone-4, Brgy. Luluasan, Balatan, Camarines Sur.
File

BALATAN, Camarines Sur, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagla­laro ng tatlong bata na magkakaanak matapos maengganyong maligo sa spillway hanggang sa lamunin ng ilog sa Zone-1, Brgy. Luluasan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gab­riel Andaya, 5-anyos, kapatid nitong si Lian Rime, 3-anyos, at pinsan nilang si Lansen Andaya Ilanan, 4-an­yos; pawang residente ng Zone-4, Brgy. Luluasan, Balatan, Camarines Sur.

Sa ulat ng Balatan Police, dakong alas-4:10 ng hapon habang naglalaro ang tatlong biktima kasama ang isa pa nilang kamag-anak na si “Shiela”, 4-anyos nang biglang magkayayaan sa spillway na konektado sa ilog at tinatayang may kalahating kilometro ang layo mula sa kani­lang mga bahay.

Gayunman, habang nasa lugar at masa­yang nagtatampisaw na sa spillway ang mga bata nang hindi nila namamalayan na napunta na ang tatlo sa malalim na bahagi ng ilog at biglang naglaho.

Nasaksihan ito ni Shiela kaya kumaripas ng takbo at humingi ng tulong kay Roberto Ilanan, tatay ng isa sa mga nalulunod na bata na mabilis na pinuntahan ang lugar.

Nang marekober ang tatlong paslit ay sinubukan pa silang isugod ng mga kaanak at residente sa Bala­tan Rural Health Unit pero hindi na sila umabot nang buhay.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with