^

Probinsiya

Seguridad sa Bar exams sa Cagayan Valley, hihigpitan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa Bar exams sa Cagayan Valley, hihigpitan
Of the 8,155 Bar examinees who took the 2018 Bar, only 1,800 passed. The SC installed an LED wall at the its front yard to flash the names of the successful examinees.
The STAR / Krizjohn Rosales, file

BAYOMBONG, Nueva­ Vizcaya , Philippines — Hihig­pitan ng pulisya ang se­guridad para sa 2022 Bar Examinations sa Cagayan Valley o Region 2 na magsisimula bukas, Pebrero 4 hanggang Peb­rero 5.

Ayon kay Colonel Renell Sabaldica, Cagayan Police Provincial director, nasa 144 pulis ang itinalaga sa lungsod para magbigay ng seguridad sa 2-araw na bar exams.

Sa ulat, nasa 506 law graduates na nagna­nais na maging abogado ang sasabak sa pagsusulit matapos na aprubahan­ ng Supreme Court ang dalawang Cagayan State University (CSU) na na­kabase sa Tugue­garao City at Saint Mary’s University (SMU) sa bayan ng Bayombong sa lalawigang ito bilang mga testing centers para sa 2022 Bar Examinations sa rehiyon.

Sa naturang bilang, 355 examinees ang kukuha ng Bar exams sa CSU habang 151 exa­minees naman sa SMU.

Ayon naman kay Atty. Delbert Galima, dean ng College of Law sa SMU, bago pa man ang nakatakdang pagsusulit­ ay nagsagawa na ng ground inspeksyon ang mga kinatawan ng SC, university personnel at mga kagawad ng Police Provincial Office sa Nueva Vizcaya para masiguro ang kaligtasan ng mga kukuha ng Bar exam.

Ang mga bakuna­dong examinees ay sumailalim din ng antigen test na isinagawa ng Bayombong Municipal Health Office kahapon, habang ang mga unvaccinated ay kailangang magpakita ng negative na resulta ng kanilang RT-PCR sa loob ng 72-oras bago ang unang araw ng pagsusulit.

Ayon kay Galima, ang mga magpopositibo sa virus, kahit walang sintomas o asymptoma­tic ay hindi papayagang kumuha ng Bar exams.

“As part of the security for our aspiring lawyers, the PNP personnel will secure the perimeter as well as the streets around the university while security personnel of the SC will secure the examinees once they enter the SMU campus,” pahayag ni Galima.

Nagpalabas din ng Executive Order si Ma­yor Ralph Lantion para sa pagpapasara sa mga kalsada sa nasasakupan­ ng unibersidad sa loob ng dalawang araw mula alas-3 ng madaling araw hanggang alas-6 ng gabi.

Ayon kay Lantion na dating Regional Trial Court judge sa Manila at dating COMELEC commissioner, maglalaan ng tatlong E-trike ang lokal na pamahalaan para isakay ang mga exami­nees mula sa drop-off area patungo sa main gate ng unibersidad at susunduin sa exit area para ihatid naman sa mga designated parking areas pagkatapos ng pagsusulit.

Sa Cagayan, idi­nek­lara ni Mayor Jefferson Soriano na walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at lahat ng opisina sa gobyerno sa Peb­rero 4 sa bisa ng Executive Order No. 15 series of 2022.

Ayon kay Soriano na isa ring abogado, ang suspension ng klase at trabaho sa lungsod ay batay na rin sa rekomendasyon ng city police chief para maiwasan ang masikip na trapiko at masiguro ang kaayusan at katahimikan sa araw ng Bar examinations.

vuukle comment

CAGAYAN VALLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with