^

Probinsiya

16-anyos pumalag sa cellphone snatcher, kinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
16-anyos pumalag sa cellphone snatcher, kinatay
Ang biktima na nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib ay nakilalang si Don Rosas Bulawan, 16, residente ng Barangay 4.

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang tinedyer makaraang saksakin ng isa sa dalawang cellphone snatcher nang magtangkang manlaban ng biktima kamakalawa ng gabi sa Edano street Barangay 9 sa lungsod na ito.

Ang biktima na nagtamo ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib ay nakilalang si Don Rosas Bulawan, 16, residente ng Barangay 4.

Ayon Kay P/Lt. Col. Reynaldo Reyes, chief of police rito, dakong alas-9:30 ng gabi ay naglalakad ang biktima at isang kaibigan sa Merchan st. nang harangin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki. 

Biglang hinablot umano ng isang suspek ang cellphone ng biktima subalit nahulog ito sa kalye.

Nataranta ang mga suspek at agad na tumakbo subalit hinabol ng biktima at ng kanyang kaibigan at nang abutan ay ginulpi ang mga ito. Habang nakahiga umano ang isa sa suspek ay bumunot ng patalim mula sa beywang at inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima saka tumakas.

Nadala pa sa St. Anne General Hospital ang menor-de-edad subalit idineklarang patay ng mga doktor.

vuukle comment

SNATCHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with