^

Probinsiya

Bagong lider ng Dawlah terror group, 4 pa napatay sa Maguindanao encounter

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MAMASAPANO, Maguindanao, Philippines — Napatay ng mga sundalo ang bagong lider ng Dawlah Islamiya terror at apat nitong tauhan sa isang sagupaan, kamakalawa sa Barangay Dabenayan ng bayang ito.

Kinilala ang napatay na si Abu Azim Karinda na nahirang na lider ng Dawlah Islamiya nitong Nobyembre matapos palitan si Salahuddin Hassan na napatay noong Oktubre 28,sa isang sagupaan sa Talayan, Maguindanao.

Ayon kay Major Gen. Juvymax Uy, commander ng  Army’s 6th Infantry Division, na pinaligiran ng mga tauhan ng  6th Infantry Battalion ang hideout ni Karinda sa Barangay Dabenayen nang pa­putukan ng mga ito ang tropa ng pamahalaan.

Napatay din ang apat na tauhan ni Karinda na sina Fahad Salipada, Hamsallah Ganoy Salangani, Salah Salipada at isang Tatoks.

Nabatid na si Karinda ay dinamay sa paggawa ng bomba ni Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir, or “Marwan,” na napatay ng  PNP-Special Action Force noong  January 25, 2015 sa bayan ng  Pidsandawan sa nasabing ring bayan.

vuukle comment

DAWLAH ISLAMIYA TERRORISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with