^

Probinsiya

‘Tulak’ na dayo todas sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� na dayo todas sa buy-bust
Sinubukan pang isugod ng ambulansya mula sa MDRRMO-Nabua sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang suspek na si Bienvinido Dinsing Jr., residente ng Brgy. Tambo, Pamplona.
STAR/File

NABUA, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang notoryus na drug pusher matapos dumayo at manlaban umano sa ikinasang buy-bust operation sa Zone-7, Brgy. Sta. Elena Baras ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Sinubukan pang isugod ng ambulansya mula sa MDRRMO-Nabua sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang suspek na si Bienvinido Dinsing Jr., residente ng Brgy. Tambo, Pamplona.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, kumagat ang suspek sa buy-bust operation ng Nabua Police at Regional Police Drug Enforcement Unit at dumayo sa naturang bayan para ibenta ang hawak na droga.

Gayunman, nakahalata umano ang suspek na pulis ang poseur buyer kaya bumunot ng baril dahilan para putukan siya ng mga nakatagong operatiba.

Mabilis na isinugod ang duguang suspek sa Medical Mission Group Hospital pero hindi na umabot nang buhay. Nabawi sa kanya ang isang bungkos ng ice plastic wrapper na may lamang shabu at isang baril.  

vuukle comment

DRUG

PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with