^

Probinsiya

Lalaki itinumba sa parking lot

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 53-anyos na mister matapos na pagbabarilin ng isang hinihinalang “hired killer” sa isang parking area sa Brgy. San Agustin, lungsod ng Trece Martires kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cesar Caseres, 53-anyos at residente ng Brgy. Cabesas, Trece Martirez City.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Rene B. Bibon, alas-7:55 ng gabi habang nasa parking area ng Mojica Building sa Brgy. San Agustin ang biktima nang bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan ang isang armadong lalaki at agad siyang pinagbabaril.

Nang bumulagta ang mister, mabilis na tumakas ang suspek tangay ang ginamit na armas.

Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang salarin habang wala pang malinaw na motibo sa naganap na krimen.

vuukle comment

CESAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with