^

Probinsiya

2 nakamotor dedo sa police checkpoint

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 nakamotor dedo sa police checkpoint
Kapwa napuruhan ng punglo at agad nasawi ang mga suspek na kinilalang si Paciano Garinga Bandola lll,31,residente ng Brgy.Cadlan,Pili,Camarines Sur at Reynaldo Robin Bandola,29,residente ng 43 N,Brgy.Escopa 1, Project 4,Quezon City.
STAR/ File

JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo  matapos na subukang tumakas at makipagbarilan sa police checkpoint sa kahabaan ng highway ng Purok-4,Brgy.Calero ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Kapwa napuruhan ng punglo at agad nasawi ang mga suspek na kinilalang si Paciano Garinga Bandola lll,31,residente ng Brgy.Cadlan,Pili,Camarines Sur at Reynaldo Robin Bandola,29,residente ng 43 N,Brgy.Escopa 1, Project 4,Quezon City.

Sa ulat,alas-12:15 ng madaling araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga kasapi ng Jose Panganiban Police nang dumating ang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Gayunman,sa halip na tumigil ay pinaharurot ng dalawa ang motorsiklo at pinagbabaril ang mga pulis na maswerteng walang tinamaan.

Humabol at naki­pagpalitan nang putok sina Patrolman Wendell Dasco at Patrolman Michael Van Acero dahilan para mapuruhan ang mga suspek at duguang bumulagta.

Nabawi sa mga suspek ang isang Kalibre 45 baril, isang 9mm Sub-Machine Gun at ang gamit na Honda SR 150R motorsiklo at nang kapkapan ay nakuha pa mula sa kanila ang 11-bilang ng malalaking plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 120-gramo at nagkakahalaga ng P576,000.

vuukle comment

BANDOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with